P4.1 trillion 2020 National budget, lusot na
- Jeff Tumbado
- Sep 10, 2019
- 1 min read

LUSOT na sa House Committee on Appropriations ang House Bill 4228 o 2020 General Appropriations Bill na aabot sa 4.1 trillion pesos.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, senior vice-chairman ng komite, walang binago ang Appropriations Committee o kahit tuldok sa isinumiteng National Expenditure Program ng Department of Budget and Management (DBM).
Bagama’t, humirit ang ilang ahensiya ng gobyerno na madagdagan ang kanilang pondo sa susunod na taon, hindi muna ito naisingit sa komite.
Paliwanag ni Committee Chairman Rep. Isidro Ungab, maaaring mapag-usapan ang pagbabago sa mga alokasyon ng pondo kapag naisalang na sa period of amendments sa plenaryo o sa bicameral conference committee.
Tiniyak ni Ungab na walang pork barrel ang 2020 budget bill dahil ibinatay ito sa isinumite ng Malacañang.
Isandaang porsiyento ring tiwala ang kongresista na hindi na makukuwestiyon sa Senado ang kanilang bersyon.





Comments