top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Mga abusadong punerarya, ipapasara!

  • Isko Moreno
  • Sep 10, 2019
  • 1 min read

KAMAKAILAN, inatasan natin ang Manila Health Department (MHD) na magsagawa ng crackdown laban sa mga punerarya na posibleng may paglabag sa mga ipinatutupad na regulasyon ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ginawa natin ang nasabing direktiba matapos ang pagkakaaresto kina Rolando Morado, 54, operations manager at May Manahan, 49, secretary ng Funeraria Cruz na matatagpuan sa 2620 Severino Reyes Street, Sta. Cruz, Manila dahil sa diumano’y pag-hostage sa bangkay kapalit ng P360K.

Una nang dumulog sa tanggapan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) si Mirasol Olegenio, 58, nakatira sa Poblacion West, Sta. Ignacia, Tarlac City at inireklamo ang ginagawang pag-hostage ng mga tauhan ng punerarya sa bangkay ng kanyang anak na si Marvin Olegenio, 30, empleyado ng Dumduma Construction and Trading Corporation.

Nalaman na ang tugboat na sinasakyan ng nasawi ay unang napaulat na aksidenteng bumangga sa poste ng ginagawang Skyway at nahulog ang biktima sa San Juan River sa Bacood, Sta. Mesa noong Setyembre 3 na nagresulta sa pagkalunod nito.

Ipinag-utos din natin ang pagpapasara ng Funeraria Cruz habang ito ay patuloy na iniimbestigahan.

Sana ay maging aral ito sa mga negosyante na huwag maging abusado at pagsamantalahan ang ating mga kababayan. Namatayan na nga, lalo pang pinahirap ang pinagdaraanan ng nasabing pamilya dahil sa pangho-hostage sa bangkay.

Tigilan na natin ang mga ganitong gawain, plis lang!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page