top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Meningococcemia, nakakahawa sa pag-ubo, pagbahing at pakikipaghalikan

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Sep 10, 2019
  • 2 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Itinakbo sa ospital ang dalawang taong gulang na anak ng kasambahay ko dahil nagkaroon daw ito ng meningococcemia. Ang sabi ay delikado raw ang sakit na ito, lalo na sa mga bata kaya natakot ako para sa aking anak. Maa­ari ba ninyong talaka­yin ang tungkol sa sakit na ito? — Josefa

Sagot

Malalang sakit ang meningococcemia na dulot ng impeksiyon ng bacteria sa itaas na bahagi ng daluyan ng paghinga at sa daluyan ng dugo. Ito ay maaaring makamatay kung mapa­babayaan. Sa simula, ang bacteria ay maaa­ring manirahan sa itaas na bahagi ng daluyan ng paghinga (loob ng ilong at lalamunan) nang walang ipinakikitang anu­mang karamdaman o sintomas, ngunit, kala­unan, kung ito ay maka­pasok sa daluyan ng dugo, maaaring magsi­mula ang pagkakaroon ng mga sakit.

Ano ang sanhi ng meningococcemia?

Ito ay nakukuha mula sa mga maliliit na patak o droplets mula sa bibig at ilong ng taong may sakit. Maaari rin itong makuha mula sa ubo, bahing, pakikipaghali­kan at iba pang mala­pitang pakikisalamuha sa taong may sakit.

Ano ang mga salik na nagpapataas ng posibilidad na maha­wa nito?

Ang pagkakaroon ng malapitang pakikisala­mu­ha sa taong apektado ng sakit ang panguna­hing salik na nakapag­papataas ng panganib ng pagkakahawa nito. Tu­mataas din ang posibi­lidad sa pagkakaroon ng sakit kung magtutungo sa mga lugar na napa­babalitang may kaso nito.

Ano ang posibleng komplikasyon ng me­ningococcemia?

Maaaring magdulot ng ilang mas seryosong kondisyon ang pagka­kasakit ng meningococcemia. Kabilang dito ang arthritis, pagka­matay at pagkabulok (gangrene) ng ilang bahagi ng katawan na hindi nararating ng dugo, pamamaga ng mga daluyan ng dugo dahil sa impeksiyon, impeksiyon sa puso at pagkasira ng adrenal glands.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page