top of page

Hiniwalayan ng misis, senyales na may pagkukulang sa sex

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Mark ng Mark _Anthon@facebook.com

Dear Professor,

Maayos naman ang pag­sasama namin ng asawa ko pero sa panaginip ko, na­kikiusap daw ako sa kanya na huwag niya akong hi­walayan at may kasama siya na ibang la­laki. Ilang beses ko nang napanaginipan ito at minsan, nagigising ako na umiiyak.

Naghihintay,

Mark

Sa iyo, Mark,

Marami ang nagsasabi na maayos naman ang marriage life nila at wala naman silang mga problema. Pero ang to­too, hindi ganu’n kaganda ang buhay sa mundo, lalo na sa as­peto ng pag-aasawa.

Ganito ang nasusulat, “Hindi lamang sa tinapay na­bubuhay ang tao”. Hindi ko na dinugtungan dahil ang mahalaga ay ang maunawa­an ng lahat na hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao.

Ang tinapay ay sumi­sim­­bolo ng mga materyal na ba­gay. Kaya masasabing hin­di lang sa pagkakaroon ng ma­teryal na bagay makikita kung ang pagsasama ng mag-asawa ay talagang maganda.

Ang panaginip mo na hihiwalayan ka ng iyong asawa dahil may kasama siyang ibang lalaki ay para sa seksuwal na aspeto ng inyong marriage life. Dahil dito, suriin mong mabuti ang inyong sex life.

Kapag may nakita kang pagkukulang mo, gumawa ka ng paraan. Gayundin, ka­pag may nakita kang pagka­kamali, itama mo. Kapag may nakita kang dapat pang idag­dag sa iyo, dagdagan mo at ka­pag may kailangan kang gawin, gawin mo.

Huwag kang matakot da­hil hindi ka iiwanan ng asawa mo. Huwag kang umiyak at pahiran mo ang mga luha mo. Kaya ganito ang panaginip mo ay dahil sa akala mong sa tinapay lang puwedeng ma­buhay ang tao.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page