Hindi lang basta pang-almusal at pangmeryenda... Tinapay, epektib na panlaban sa colon cancer at dia


ALAM natin na ang tinapay ay isa sa mga pangunahing pagkain na gawa sa minasang harina at tubig na karaniwang iniluluto sa pamamagitan ng paghuhurno. Gayundin, paborito itong kainin ng karamihan sa almusal at meryenda.
Pero, alam n’yo ba na bukod sa nakabubusog, puwede ring panlaban sa colon cancer at diabetes ang tinapay? Weh, ‘di nga?
Ang sintomas ng colon cancer ay makikita sa pagbabago ng anyo ng dumi kung saan lumiliit ito at minsan naman ay may bahid ng dugo. Sey ng mga expert, ang mga indibidwal na nasa edad 50 pataas ay kailangang magpa-check ng colon sa pamamagitan ng colonoscopy o sigmoidoscopy o ‘yung instrumento na kailangan dumaan sa puwit papunta sa colon.
Inirerekomenda ng mga eksperto ang pagkain ng high fiber diet tulad ng gulay at prutas. Mataas ang fiber ng kangkong, pechay, patola at okra habang sa prutas naman, okay ang balat ng mansanas, gayundin ang dalandan, pakwan at papaya.
Gayundin, ayon sa mga eksperto, ang tinapay ang isa sa may pinakamataas na fiber na makatutulong para sa ating katawan at makaiiwas sa sakit tulad ng constipation, high blood, heart attack at stroke.
Ang kumpanyang Walter Bread na pag-aari ni Mr. Walter Co ang gumagawa ng mga tinapay na hindi lang basta laman-tiyan kundi nakabubuti rin sa ating kalusugan. Kabilang dito ang Weight Control Bread with high fiber na punumpuno ng oats at vegetable fiber na makatutulong sa pagtunaw ng pagkain, pagbaba ng kolesterol at pag-iwas sa kanser sa bituka o colon cancer. Gayundin, nakababawas ito ng timbang dahil ang Weight Control Bread ay mabilis makabusog kung saan dalawang slice lang nito ay sapat na. Ayos, ‘di ba?
Samantala, may mga tinapay para sa mga taong may diabetes. Ito ang Sugar-Free Wheat Bread na mayroong 65 calories ang bawat piraso. Kung ikukumpara sa 1 cup ng kanin, mas maganda ito dahil hindi ito masyadong nakatataas ng sugar level.
Dagdag pa rito, ilang eksperto ang nagsabi na kumakain din sila ng nasabing uri ng tinapay dahil sa paniniwalang makatutulong ito sa ating kalusugan.
Ngayon, alam na natin kung gaano kalaki ang naitutulong ng tinapay sa ating katawan dahil hindi lang ito basta almusal o pangmeryenda kundi puwede rin pala itong panlaban sa mga sakit tulad ng colon cancer at diabetes. Kaya mga besh, kung gusto ninyong makaiwas sa mga nabanggit na sakit, try n’yo na ito!





Comments