Hamlet at Señorito Gelo

NAGHANDA ng magandang dibidendo sa 1st at 2nd Winner Take All (WTA) ang pagkakapanalo ng Hamlet at Señorito Gelo sa karerang naganap sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite noong Linggo.
Mula Race 2 hanggang Race 8 ng 1st WTA nagpakita nang husay ang Refuse To Lose na nanalo sa karerang nabanggit.
Nasundan ng Batang Bangkal sa Race 3 na pumangalawa ang Humble Submission na nagbigay sa Forecast ng P14.50 at naghatid ng dibidenbo sa Daily Double ng P44.50.
Naging maganda ang labanan sa pagitan ng Papsut at Iikot Lang na naghatid ng P60.50 sa forecast event sa Race 4. Nagwagi ang Queenboro sa Race 5 at nagwagi ang Magnolia Yana sa Race 6. Nanalo ang Kentucky Rain sa Race 7 na nagbigay ng dehado sa forecast na P3,279.50 nang semegunda ang Anikas Win.
Nagbigay ng P244 sa Pick 6 at WTA ng P1,200 sa pagkakapanalo ng kabayong Hamlet sa Race 8.
Hugandong nanalo ang Lady Benevolentia sa Race 9, nanalo ang Rockabye sa Race 10 nagbigay sa 2nd WTA ng P2,672.60 sa pagkakapanalo ng Señorito Gelo.
Resulta ng Karera Sept. 8. Race 1 – Hitting Spree (5) Finish: 5/4/2/1/ P5.00 WIN 5 P5.00/ P5.00 FC 5/4 P8.50/ P2.00 TRI 5/4/2 P3.60 Race 02 – Refuse to Lose (13) Finish:1 3/9/11/14/12/10/ Scratched: 7 P5.00 WIN 13 P15.00/ P5.00 FC 13/9 P105.50/ P2.00 TRI 13/9/11 P273.40/ P5.00 DD 5/13 P20.50/ P2.00 QRT 13/9/11/14 P3,467.00/ P2.00 PEN 13/9/11/14/12 P13,027.80/ Six Carry Over P69,234.98.





Comments