14 sa 20 sinuring baboy, positibo sa ASF — DA

KINUMPIRMA ng Department of Agriculture (DA) na 14 sa 20 sinuring dugo mula sa mga nagkasakit na baboy ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, natanggap na nila ang resulta ng pagsusuri ng blood samples na ipinadala sa United Kingdom.
Aabot sa 7,416 baboy ang na-depopulated at karamihan sa mga ito ay mula sa Rizal at Bulacan.
Minabuti ng DA na magpadala ng tissue at blood samples ng mga baboy para masuri sa ibang bansa sa gitna ng pagdami ng bilang ng mga namamatay na hayop.





Comments