Team USA, ipinahiya ang Greece ni Antetokounmpo


BIGONG umusad ang Greece sa FIBA quarterfinal at ang pumasok sa quarterfinals ay ang Team USA sa pagpapatuloy ng second round ng FIBA Basketball World Cup 2019 matapos na dispatsahin ang una, 69-53.
Napigilan ng US ang diskarte ng NBA MVP Giannis Antetokounmpo upang iposte ang unbeaten run sa China at ikalawang talo ito ng Greece.
Nagtapos ng may 15 puntos lamang si Giannis sa bisa ng 7-for-11 shooting at 13 rebounds. Dalawa sa defending champion US Team ang nakapagtala ng dobleng pigura na sina Kemba Walker sa 15 puntos at si Donovan Mitchell, 10 puntos.
Minalas ang Greece sa 32 percent sa field at maramot pa ang pitong tres puntos mula sa 27 pagtatangka. Kailangan na lang ng US na gibain ang Brazil na may 3-2 record para sa top spot sa Group K. Posible namang makalaban sa Miyerkules ng USA ang Australia o France na may parehong 4-0 record sa Group L. (MC)





Comments