top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Taduran, bagong IBF Minimumweight champ

Gerard Arce
Sep 9, 2019
2 min read

HINDI ininda ni Pedro “The Rattlesnake” Taduran ang sakit na natanggap matapos itong bumagsak sa first round bagkus ay naging motibasyon niya ito para tuluyang ayawan siya ng kapwa Filipino fighter na si Samuel “The Silent Assassin” Salva bago ang 5th round ng kanilang title fight sa Jurado Hall sa Philippine Marine Corps headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig noong Sabado ng gabi.

Dahil dito ay hinirang na bagong International Boxing Federation (IBF) minimumweight champion si Taduran at ihandog kay Salva ang unang talo nito sa 18 laban matapos ipatigil ni referee Denrex Tapdasan ang laban sa abiso na rin ng doktor dahil sa natamong mga suntok nito.

Naging maganda ang pasimula ni Salva ng magpakawala ito ng malulupit na atake upang maungusan niya si Taduran at mapabagsak ito sa unang round pa lang dahil sa isang counter right punch.

Hindi nagpadaig ang 22-anyos na si Taduran sa mga sumunod na rounds nang magsimula ng umatake ito at kontrolin ang laban habang pinauulanan niya ng birada si Salva dahilan upang umatras ito ng makailang ulit.

Uminit ang mga sumunod na tagpo ng bawasan ng puntos si Salva matapos ang intentional head-butt kay Taduran sa 4th round, habang patuloy sa pagsugod at pagragasa ng suntok si Taduran kahit saan man ito pumunta.

Matapos ang 4th round ay nahirapan nang huminga si Salva sa kanyang corner at dito na napilitang ipahinto ang laban dahil sa natamong gulpi sa nagdaang rounds, na naging dahilan upang itakbo ito sa pinakamalapit na ospital para patignan.

Matagumpay na naipaghiganti ni Taduran ang pagkatalo sa unang silip nito noon sa world title fight laban kay Wanheng Menayothin ng Thailand para sa World Boxing Council (WBC) 105lbs title.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page