top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Raga at Amit, impresibo pa rin sa World 9-ball

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Sep 9, 2019
  • 2 min read

TULOY ang impresibong pagsargo nina Anthony Cortes Raga at Rubilen Amit sa kani-kanilang dibisyon para manatiling nakawagayway ang bansa ng Pilipinas sa dikdikan nang labanan ng $373,000 World 9-Ball China Open 2019 sa Pudong Tangzhen Culture & Sports Center ng Shanghai, China.

Apat na lang na lalaking manunumbok ang natitirang may tsansa sa trono at sa kaakibat ng papremyong USD 40,000. Isa na rito ang Pinoy na si Raga na dumaan sa likuran na pintuan ng torneo para makapasok sa main draw.

Bukod sa Cebuano, nasa semifinals na rin sina World Pool Billiards Association no. 9 Shane Van Boening (USA), WPA no. 16 Eklent Kaci (Albania) at WPA no. 19 Wu Jiaqing (China).

Samantala, isang hakbang na lang ang layo sa korona at sa cash prize na USD 36,000 ng kapwa Cebu pride na si Amit dahil nasa final round na siya at haharap sa pinakamalupit na lady cue artist sa balat ng lupa na si Chen Simming mula sa punong-abalang China.

Nauna rito, nasingitan ni Raga, wala sa WPA world rankings pero pang-30 sa Fargo Rating list, ang mga dekalibreng cue artists sa katauhan nina WPA no. 2 Niels Feijen (11-8; round of 32), WPA no. 8 Jayson Shaw ng Scotland (9-7; double elimination phase) at kapwa Pinoy na si WPa no. 17 Johann Chua, (11-9; round of 16).

Noong quarterfinals, wagi rin siya kay Chinese Fu Jianbo, 11-5. Kasama pa sa mga nabiktima niya noong qualifying round sina Shen Shenyi (China, 9-2), Liu Yexu (China, 9-4), Thorsten Hohmann (Germany, 9-4) at Xu Xiacong (China, 9-1). Ang nag-iisa niyang pagkatalo ay nairehistro noong round of 64, double elimiation format sa kamay ni Vietnamese The Kien (7-9) pero nakarekober si Raga at dinaig si Puerto Rican Enrique Rojas (9-8).

Kasama sa mga kinatawan ng Pilipinas na nag-empake na sa paligsahan ay sina Carlo Biado, Chua, Raymond Faraon at Chezka Centeno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page