top of page
Pokwang.jpg

Nag-exam para maging registered geologist, 10 days bago makuha ang resulta

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 9, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Katatapos ko lang kumuha ng exam para maging registered Geologist. Gaano katagal bago lumabas ang resulta nito? — Patrick

Dear Patrick,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong ini­lahad ay ang Sections 19 at 20 ng Republic Act No. 10166 na mas kilala bilang “Geology Profession Act of 2012” kung saan nakasaad ang mga sumusunod:

“Section 19. Rating in the Licensure Examination. – To pass the licensure exa­mination for geology, a candidate must obtain a general weighted average of no less than seventy per centum (70%) and a rating of no less than fifty per centum (50%) in any examination subject.

Section 20. Report of Ratings. – The Board shall complete the correction of examination papers within three (3) days from the last day of exami­nations. The Com­mission shall report the rating of examinees not more than ten (10) days after the Board has com­pleted the correc­tion of examination papers.” (Binigyang-diin).

Ayon sa nasabing batas, upang maka­pasa ng licensure examination para maging registered Geologist, nararapat na maka­kuha ng general weighted average na hindi bababa sa grado na 70% ang aplikante at hindi dapat makakuha ng grado na bababa sa 50% sa alinmang paksa.

Sa in­yong sit­wasyon, nararapat na tapusin ng Profes­sional Regulatory Board of Geology ang pagwa­wasto at pagmarka ng mga exami­nation paper sa loob ng tatlong araw mula sa huling araw ng inyong pagsu­sulit.

Kaug­nay nito, isisiwalat naman ng Pro­fessional Regulations Commission (PRC) ang resulta ng inyong pagsusulit sa loob ng 10 araw mula nang makumpleto ang pagwawasto at pagmamarka na ginawa ng Professional Regulatory Board of Geology.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pag­ka­kaintindi na­min dito. Ma­aaring maiba ang opinyon kung mayroong ka­rag­dagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal ka­yong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page