Misis binaril ni mister, utas

DEDBOL ang isang misis matapos barilin ng kanyang mister sa kanilang bahay sa Bgy. San Isidro, Antipolo City, Rizal.
Pasado alas-2:00 ng madaling-araw, narinig umano ng kapitbahay ang pagtatalo ng biktimang si Angela Shynne, 24, at asawang si Joel Tongco, 42, driver.
Ilang saglit pa ang lumipas nang makarinig ng putok ng baril mula sa kanilang bahay.
Nakita nilang buhat-buhat na ng suspek ang duguang biktima kung saan dali-dali nitong dinala sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival.
Agad nilang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang nangyaring insidente kung saan inaresto ang suspek.
Patuloy pang iniimbestigahan ang suspek kaugnay sa pagpatay sa biktima habang narekober sa crime scene ang basyo ng cal.38 revolver.





Comments