top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lider ng NPA, patung-patong ang kaso.. SC: Joma Sison at misis, dakpin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2019
  • 3 min read

SA loob ng 50 taon ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), libu-libo na ang napatay dahil masyadong pi­nagbibigyan ng gobyerno ang mga komunista kahit inaabuso na sila ng mga ito.

Sa mga kolehiyo at unibersidad, madaling nakapagre-recruit ng mga estudyante ang mga komunista para mag-aklas at maging miyembro ng CPP-NPA dahil sa kanilang propaganda, nalalason ang kaisipan ng kabataan.

Sa mga magulang d’yan, habang maaga pa ay pangaralan at pagsabihan na ninyo ang inyong mga anak, partikular kung sila ay nasa unibersidad o high school.

Makabubuting pag­bawalan n’yo silang sumali sa rally at protesta na organisado ng mga militanteng grupo at dilawan.

Habang nakikinig at sumusunod pa ang inyong mga anak, malaki ang posibilidad na masira ang kanilang kinabukasan kung sasali sila sa mga maka-kaliwang grupo tulad ng League of Filipino Students, Kabataang Maka­bayan at Anakbayan Partylist.

Ikuwento ninyo sa kanila na ang idolo ng mga maka-kaliwa at komunista ay walang iba kundi si Jose Maria “Joma” Sison na kasalu­kuyang may arrest warrant dahil sa kasong murder at massacre.

Kamakailan, inilabas ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ng Manila Regional Trial Court Branch 32 ang utos sa kapulisan at iba pang awtoridad na hulihin na si Joma Sison, gayundin ang kanyang asawa na si Juliet.

Sa Utretch, The Netherlands nakatira si Joma, mahigit tatlong dekada na itong nagpa­pasarap doon habang ang kanyang mga tauhan dito sa Pilipinas ay hirap na hirap na nagtatago sa kabundukan at nagugutom.

Ayon sa militar, kahit wala sa loob ng bansa si Joma ay maaari nila itong mahuli. Makikipag­tulungan sa kanila ang International Police o Interpol, Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Justice (DOJ) at iba pang ahensiya para mahuli ang mga ito sa Europa.

Inutusan din ng korte ang paghuli sa 36 pang opisyales ng CPP-NPA tulad ni Rodolfo “Ka Bilog” Salas at Luis Jalandoni. Si Jalandoni ay naging negosyador pa ng komunista sa pa­mamagitan ng National Democratic Front (NDF).

Si Joma at iba pa niyang kasama ay inaku­sahan ng pag-massacre sa 300 katao sa Leyte bilang bahagi umano ng kanilang “pur­ging” o paglilinis ng kanilang ranggo.

Nabisto ang massacre noong 2006 nang matagpuan ang 67 bangkay ng mga biktima na ibinaon sa mababang hukay sa Subang Daku, Inopacan, Leyte.

Ayon sa salaysay ng mga dating rebelde, ang Inopacan massacre ay tinawag ng NPA na “Oplan Venereal Disease”. Sunud-sunod daw ang pagpatay na ginawa ng mga komunista sa mga taong sa tingin nila ay kalaban o tumu­tulong sa militar.

Mahigit isang dekada na mula nang nang­yari ang insidente ng massacre, pero kailanman ay hindi ito malilimutan ng pamilya ng mga biktima.

Matagal na silang naghihintay ng hustisya. Ngayon lang sila nagkaroon ng pag-asa mata­pos ilabas ng mga awtoridad ang utos na pag­huli kay Joma at iba pa, sa bisa ng mga ebiden­siyang nalikom ng korte.

Ayon sa mga ulat, ang “Oplan VD” o Ino­pacan massacre ay isa lamang sa maraming “purging” o pagpatay ng CPP-NPA sa kapwa nila rebelde mula pa noong 1980’s.

Mahigit 7,000 diumano na miyembro ng CPP-NPA o tagasuporta nito ang dumaan sa torture bago patayin ng mga lider nito.

Layunin diumano ng mga pulahang lider na mawala o maubos ang mga traydor at hindi mapagkaka­tiwalaan sa kanilang hanay.

Mayroon din daw “pag­lilinis” na tinawag na Oplan Ahos, Oplan Zombie, Oplan Olympia at Oplan Kadena de Amor.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page