top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lalo ngayong usung-uso ang hiwalayan, besh... Tips para maging matibay ang relasyon kahit long dista

  • Twincle Esquierdo
  • Sep 9, 2019
  • 2 min read

MARAMI sa atin ang nakaranas na ng long distance relationship o LDR pero, dahil hindi madali ang ganitong uri ng relasyon, ilan lamang ang nagta­tagumpay dito. Kaya maraming nagta­tanong, paano magtatagal ang ganitong uri ng relasyon? Don’t worry, beshies dahil narito na ang ilang tips para mag-work ang LDR:

1. KOMUNIKASYON. Napakahalaga nito para sa lahat, lalo na sa mga may ka-LDR. At dahil hindi kayo madalas na magkasama, kailangang maging updated kayo sa mga nangyayari sa isa’t isa. Sa panahon ngayon, napakadali nang ma­kipag-usap gamit ang social media tulad ng Messenger, Facebook, Twitter, Ins­tagram at Skype. Mahalaga na magka­roon kayo ng oras sa isa’t isa sa pamama­gitan ng pakikipag-usap.

2. PRIDE. Hindi ito sabong panlaba kundi ugali na kailangan ding bawasan or better, tanggalin. Kung kayo ay may hindi pagkakaunawaan, hindi puwede na galit ka at galit din siya dahil sa ganitong paraan, magkakaroon ng lamat ang in­yong relasyon. Hindi ito nakatutulong da­hil kung parehong mataas ang pride ninyo, malaki ang posibilidad na mauwi sa hiwalayan ang inyong relasyon.

3. EFFORT. Mag-effort o magkaroon ng oras sa isa’t isa kahit hindi kayo mag­kasama. Malaking bagay ito dahil dito makikita kung gaano ninyo kamahal ang isa’t isa kahit magkalayo kayo. Makara­ramdam kayo ng pagpapahalaga at im­por­tansiya kung pareho ninyong gi­nagawa ito. Halimbawa, ang pag-e-effort na makausap ang isa’t isa kahit busy kayo sa kani-kan­yang buhay.

4. TIWALA. Isa ito sa mga pina­ka­mahalaga sa LDR at unang ibinibigay sa karelasyon. Kung walang tiwala, sigu­radong hindi magwo-work ang inyong relasyon. Dapat, may tiwala kayo sa isa’t isa para in a way, kahit magkalayo kayo, kampante kayo na hindi magloloko ang isa sa inyo. Kung mayroon kayo nito, totoo ang pagmama­halan ninyo. Sabi nga, “trust is the key”.

5. COMMITMENT. Alam ninyong committed kayo sa isa’t isa kaya wa­lang dahilan para magha­nap pa ng iba. Huwag ka­yong magpapadala sa tukso, dahil alam natin sa panahon ngayon, napaka­rami nito. Panindigan ninyo ang inyong pag­mamahalan kahit mahirap ang LDR.

6. LOYALTY. Dapat ay araw-araw kayong loyal and faithful. Napaka-basic na nito, guys. Mahalin mo nang totoo ang inyong partner at huwag kang ga­gawa ng anumang ikasisira ng inyong relasyon. Maging totoo kayong dalawa kahit hindi kayo magkasama o hindi nagkikita. Huwag malandi. Okay?

7. MAKUNTENTO. Lastly, dapat makuntento ka sa kung anong meron kayo ng partner mo. ‘Wag mong hana­pin sa iba ang mga bagay na hindi niya kayang ibigay. Gayundin, mahalin mo kung ano siya at tiis-tiis lang dahil magkakasama rin kayo, balang-araw.

Oh, mga beshy ngayong alam n'yo na ang ilang paraan para maging mati­bay ang inyong relasyon kahit magka­layo kayo, gawin n'yo ito, ha? Darating din ang araw na magkakasama kayo at palagi ninyong iparamdam ang pag­mamahal ninyo sa isa’t isa. Kapit lang! Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page