Hitting Spree, Kampeon

ITINANGHAL na kampeon ang Hitting Spree sa katatapos na 2019 Philracom 4 Year Old & Above Open Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite kahapon.
Maganda ang naging laban bago nagtagumpay si Hitting Spree at pumangalawa ang Pangalusian Island at umangat ang Truly Ponti.
Sa pagbukas ng starting gate agad kinuha ni Class A Jockey John A. Guce may sakay sa Hitting Spree ang unahan habang nakasunod ang Truly Ponti sa pangatlong posisyon ang Sooner Time at pang-apat ang Pangalusian Island.
Naging mahigpit ang laban sa unahan ng Hitting Spree at Truly Ponti ngunit hindi natagalan na makipaglutsahan sa nauunang kabayo na dumating ang Pangalusian Island habang pangatlo ang Sooner Time. Nabigong abutan ng Pangalusian Island ang Hitting Spree na may tatlong kabayo ang layo ng dumating sa finish line.
Nag-uwi ng P300,000 at trophy ang Hitting Spree, habang tumanggap ang pumangalawang si Pangalusian Island ng P112,500 at P62,500 ang tinanggap ng 3rd place na SoonerTime at tumanggap ng P25,000 ang pumang-apat na Truly Ponti.
Samantala may bagong aabangan ang bayang karerista ang Diwalwal nitong Sabado sa 3 Year Old & Above Maiden Race. Gayundin ang Patong Patong ni Atty. Nicasio Morales na tumakbo sa Condition Race 19 makaraang talunin ang de banderang si The Believer.
Nasilat ang outstanding favorite na ang Victorious Colt nang talunin ni Scarborogh Shoal sa kanilang tagpo sa Condition Race Merged 9. Nagwagi ang Joyous Solution laban sa Critical Moment sa tagpo ng Condition Race 15 na nagbigay ng magandang dibidendo sa 2nd Winner Take All at Pick 6 at Pick 5.





Comments