Basta katulad daw niya… Hirit ni Joel Cruz: oks lang kahit maging bading o tibo ang mga anak ko
- BULGAR

- Sep 9, 2019
- 2 min read

NAG-TRENDING sa socmed ang photos ng family ni Joel Cruz at may nag-comment na kung magkaroon din daw ng bakla at tomboy sa mga anak niya, ano ang masasabi niya regarding sa bagay na ito?
“Kung sasabihin nila sa akin, (meaning ‘yung mga anak niya) at magko-confess sila kung talagang gay or tomboy sila, kakausapin ko sila at susuportahan, na okay lang sa akin kung gay or tomboy sila or kung ano’ng gender nila.
“Basta ang gusto ko lang sana, na maging inspirational ang buhay nila, ‘yung ganu’n, na kagaya ko, I’m gay…naging inspirational naman ang buhay ko. And of course, God fearing, ‘yung ganu’n. Mabuhay sila nang maayos… ‘yung para may mai-contribute sila sa society whether gay or lesbian or transgender sila. Okay lang ‘yun, ia-accept ko ‘yun.”
Pumapatol ba ang isang Joel Cruz sa mga bashers?
“No. Ini-explain ko lang sa kanilang mabuti. Pero hindi naman ako ang na-bash du’n. Alam ko, hindi ako ang na-bash du’n. Parang sila-sila ata… ‘yung mga nag-comment doon. Ako naman, ipinapaliwanag ko lang nang mabuti kung ano ‘yung side ko.”
Ang mga anak niya, naba-bash din ba?
“No. Wala pa naman so far.”
‘Pag may ganu’n, paano niya hina-handle?
“Ah, basta, ako naman kasi, ipinapaliwanag ko lang…medyo religious kasi ang explanation ko palagi. As long as wala kaming ginagawang masama, na hindi kami nakakaapak ng ibang tao at naituturo ko ang magandang asal sa mga anak ko, ‘yung ganu’n. Ganu’n lang ako palagi at saka sinasabi ko sa mga anak ko na huwag nilang papatulan ‘yung mga bashers na ganu’n. Quiet na lang sila. Silent na lang sila.”
Korek! Hahaba lang kung papatulan mo pa. Buti pa, igisa na lang sila sa bawang na may kasamang “patola,” masarap pa, in pernes, ‘noh!
‘Niwey, nag-celebrate ng ika-19th anniversary nito lang September 5, 2019 ang Aficionado business ni Lord of Scents Joel Cruz at next year daw, in time sa year 2020 ay 20th anniversary na uli ng kanyang fragrance business kung kaya magkakaroon daw sila ng bonggang-bonggang celebration with matching pa-contest on the side na P1 milyon ang premyo.
Wow, ‘pag may dance contest, join si yours truly, ha, Sir Joel nang makatikim naman aketch ng milyones. Insert smiley,





Comments