top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2020 National budget, minadali!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2019
  • 2 min read

TINAPOS na ng House Appropriations Committee ang pagdinig sa pambansang badyet para sa taong 2020 sa loob lamang ng ilang araw.

Believe it or not!

◘◘◘

AYON sa pinuno ng ko­mite na si Cong. Isidro Ungab, ‘in record time’ nila tinapos ang pagtalakay sa pambansang badyet.

Ito ay dahil daw sa ha­nga­rin ng liderato ng Kamara na maaprubahan sa Kongreso ang badyet bago mag-October 4.

Talaga lang, ha?

◘◘◘

IPINAG-UTOS ni Spea­ker Alan Peter Cayetano na alas-5:00 ng hapon umpisa­han ang sesyon upang ma­talakay ng kanyang komite ang badyet sa apat na de­partamento at ahensiya ng gobyerno mula Lunes hang­gang Biyernes.

Tiniyak din na walang “pork” at “illegal inser­tions” ang 2020 National Budget!

◘◘◘

SI Speaker Cayetano rin ang nagrekomenda na ang mga vice-chairman ng komite ang magsasagawa ng pagdi­nig sa badyet.

Ito ay matapos pormal na buksan ni Rep. Ungab ang hearing upang mas ma­bilis ang proseso at wa­lang masayang na oras!

◘◘◘

SOBRA-SOBRA ang pasasalamat ni Rep. Ungab sa liderato ng Kamara at sa ka­pwa kongresista na tumu­long sa mabilis at epektibong proseso ng budget hearings.

Pinasalamatan niya ang mga kongresistang tu­mugon sa tawag ng tungkulin sa pag-aaral at pagrepaso sa isinumiteng badyet ng mga ahensiya ng gobyerno!

◘◘◘

NAKATULONG din ang presensiya ng mga kalihim at pinuno ng mga government department at agency sa mga budget hea­ring dahil mabilis na nasagot ng mga ito ang ka­tanungan ng mga kongresista.

Ang mga nakaraang bud­get hearing sa Kamara, kada­lasan ay inaabot ng hanggang ikatlong linggo ng Setyembre ang pagdinig, ngunit, sa li­derato ni Speaker Caye­tano, natapos ang pagdinig noong Biyernes, September 6.

Pambihira ini!

◘◘◘

UMPISA na rin bukas, Setyembre 10 ang spon­sor­ship at floor deliberations sa HB 4228 o pambansang badyet.

Target ng Kamara na mapagtibay ang panukala bago mag-October 4!

◘◘◘

AYON kay Speaker Ca­yetano, “work, work, work” ang nasa puso ng mga kon­gresista.

Ito ay upang matupad ang hangarin ni P-Digong para sa mga Pinoy!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page