2 bigtime tulak, tiklo sa buy-bust
- Pabs Hernandez III
- Sep 9, 2019
- 1 min read
CEBU — Dalawang bigtime drug pushers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Pusok, Lapu-Lapu City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Stanley Urdaneta at Arcelia Tamarion, kapwa nakatira sa Cebu City.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang pakete ng shabu, markadong pera at baril sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments