top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

‘Pork-free’ 2020 National budget hearing, tapos na

  • Mylene Alfonso
  • Sep 9, 2019
  • 1 min read

INIULAT ni House Com­mittee on Appro­pria­tions Chairman Rep. Isidro Ungab, 3rd District, Davao City na natapos in record time ang mga pagdinig sa 2020 proposed budget ng lahat ng mga departamento at ahensiya ng gobyerno.

Aniya, ito ay naging po­sible sa pamamahala at ga­bay ni House Speaker Alan Peter Cayetano na sinigu­rong nasa tamang oras o mas ma­aga pa ang pagpasa sa pork-free at illegal insertion-free na budget na magbibigay sa bawat Pilipino ng ligtas at komportableng buhay.

Dagdag pa ni Rep. Ungab, si Speaker Cayetano ang nagsagawa ng idea at sistema upang ma-adjust ang schedule ng plenary upang maisagawa ang apat na bud­get briefing kada araw.

Sa mga nagdaang sche­dule sa mga pagdinig ng mga annual budget proposal, ka­dalasang natatapos ito sa huling linggo ng Setyembre.

Matapos ang mga hea­ring sa budget proposals, na­katakdang i-approve nga­yong araw ang Committee Report sa House Bill 4228.

Ang mga sponsorship at simula ng deliberasyon sa plenaryo para sa HB 4228 ay nakatakda naman bukas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page