Tikas nina bahrami at haddadi ng Iran, pipigilan ng Gilas

TATANGKAIN ng Gilas Pilipinas na tapusin ang kampanya sa FIBA Basketball World Cup 2019 na may panalo sa kanilang paghaharap kontra Iran mamayang gabi sa Beijing Wukesong Arena sa China. Maghaharap ang Gilas Pilipinas at China sa ganap na alas-8 ng gabi.
Hanggang sa ngayon ay wala pang panalo ang Gilas Pilipinas sa apat na laro. Natalo ang Gilas laban sa Tunisia, 86-67, noong Biyernes sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa classification round ng Group N. Agad nakuha ng Tunisia ang kontrol ng laro pagkaraan makuha ang 27-10 na abanse kontra Gilas. Hindi na nakabangon ang Gilas sa kalamangan ng Tunisia. Gumawa ng 24 points at 11 rebounds si Andray Blatche sa nasabing laro. Wala nang pag-asa ang Gilas Pilipinas na makakuha ng puwesto sa 2020 Olympics dito sa World Cup ngunit ang isang panalo kontra Iran ay magpapalakas sa pag-asa ng koponan na makakuha ng imbitasyon sa Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa susunod na taon. Umaasa si Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao na makakakuha ng panalo ang koponan kontra Iran.
Nagawa ng Iran na magwagi sa Angola, 71-62 sa classification stage noong Biyernes sa bisa ng tikas nina Smad Nikkhah Bahrami at Hamed Haddadi na umiskor ng 21 puntos. Umaasa si Bahrami at ang buong team Iran na mapanatili ang momentum sa laro kontra Gilas na pamilyar na sa kanila ang kalaban. Sa Asian qualifiers, Tinalo ng dalawang beses ng Iran ang Pilipinas. “We’ve played a lot of games against the Philippines. We won a lot of games, we lost some games,” ani Bahrami. “The Philippines is a good team and they play defense. Angola is more physical and have big guys, but the Philippines have smaller and faster guys, better ball-handlers and they’re better one-on-one. Definitely it’s a different plan, but I think defensively we have a good team [to stop them.”
Nanguna para sa Iran si Mohammadsamad Nikkhah Bahrami na umiskor ng 21 points. Inaasahang lalaban ang Iran sapagkat may pag-asa pa ang Iran na makakuha ng puwesto sa Olympics.





Comments