Rondina at Pons, pambato sa Sea Games Beach Volleyball

PANGUNGUNAHAN ng reliable tandem nina 4-time UAAP beach Volley Most Valuable Player at 82nd season UAAP indoor volleyball MVP Cherry “Sisi” Rondina at dating FEU captain Bernadette Pons ang kampanya ng Philippine National Beach Volleyball team para sa nalalapit na 30th edition ng Southeast Asian Games simula Nob. 30- Dis. 11.
Malaki umano ang nakaatang sa braso dalawang pangunahing volley belles dahil sila ang inaasahang magbibigay ng medalya sa pambansang koponan
Ayon kay national team head coach Paul John Doloiras, sina Rondina at Pons na umano ang unang tandem na napili para sa biennial meet at sa ngayon ay pinagpipilian na lang niya Marie Angeline Gervacio, Floremel Rodriguez at Baby Love Barbon na kukumpleto sa dalawang koponan para pumalo sa Nob. 29 hanggang Dis. 6 sa Subic Tennis Courts. “Sina (Rondina at Pons) ang nasa first team, silang dalawa kasi iyong ginagamit natin sa FIVB games. Iyong isang team ay pinagpipilian pa,” esplika ni Doloiras sa Bulgar, na siya ring naging head tactician ni Rondina sa Beach Volley sa UST habang si Pons ay naglaro sa FEU.
Napagwagian din ng Rondina-Pons ang 2017 Philippine Superliga Challenge Cup beach volleyball tournament habang nirepresenta ang bansa sa 2017 Southeast Asian Beach Volleyball Championship sa Singapore at nitong Mayo sa FIVB Beach Volleyball World Tour sa Boracay kung saan tumapos sila ng 5th place.





Comments