Rollback sa gas
- Gina Pleñago
- Sep 8, 2019
- 1 min read

MULING nagpatupad ng pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis na pinangunahan ng Phoenix Petroleum, kahapon.
Sa abiso nito, nasa P0.50 kada lito ang bawas sa presyo ng gasolina at P0.10 kada litro naman sa diesel na epektibo kahapon ng alas-6:00 ng umaga.
Ang napipintong bawas-presyo sa produktong petrolyo ay kaugnay sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Ipinatutupad ang pagbawas-presyo ng mga kumpanya ng langis tuwing Martes.





Comments