top of page

Pag-inom ng kape, pagnguya ng chewing gum, pagyoyosi etc., mga dahilan kaya madalas may kabag

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Sep 8, 2019
  • 1 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane, Madalas akong kinakabag, lalo na kapag nasa opisina ako. Ang sabi ng katrabaho ko, baka raw dahil sa katsu-chewing gum ko. Totoo ba ‘yun? Ano ba ang sanhi ng kabag? — Chester

Sagot Ang sobrang paglunok ng hangin ang pangunahing sanhi ng kabag. Normal lamang na makalunok ng hangin kapag kumakain o humihinga, pero napakadaling makalunok ng sobrang hangin nang halos hindi mo nalalaman.

Nakalulunok ka ng sobrang hangin kapag:

  • Naninigarilyo

  • Palaging nagtsu-chewing gum

  • Kumakain ng kendi.

  • Lumuluwag ang pustiso.

  • Hindi nginunguya nang maayos ang pagkain

Gayundin, ang pag-inom ng maiinit na inumin tulad ng kape ay makapagpapataas ng carbon dioxide sa tiyan na maaaring magdulot ng kabag.

Ano ang gamot sa kabag?

Ang kabag ay kadalasang nagagamot sa pamamagitan ng pagbabago sa pagkain at lifestyle, pero kapag hindi nawawala ang kabag, may mga gamot na maaaring mabili sa botika na hindi na nangangailangan ng reseta.

Iwasan ang mga pagkaing mataas sa carbohydrates tulad ng tinapay, ice cream, kanin at iba pa.

Ang processed food ay dapat ding iwasan dahil ito ay maaaring naglalaman ng mga sangkap na dahilan ng kabag.

Ang pag-inom ng mga inuming sagana sa probiotic ay nakatutulong na maiwasan ang kabag.

Ang probiotics ay mabuting mikrobyo na tumutulong sa pagtunaw ng carbohydrates na hindi kayang tunawin ng bituka.

Makukuha ang probiotics sa mga food supplement na ibinebenta sa mga botika.

Tumutulong ito na paramihin ang good bacteria sa ating tiyan. Ang probiotics ay nakatutulong upang maiwasan ang kabag.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page