NU Lady Bulldogs at UST wagi sa Falcons at UP
- BULGAR

- Sep 8, 2019
- 1 min read

UMARANGKADA ang defending 5-time undefeated champion National University sa second half upang maigupo ang Adamson, 99-78, kahapon sa UAAP Season 82 Women’s Basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Umiskor si Rookie Camille Clarin ng season-best 23 puntos, bukod pa sa 5 rebounds at 4 na assists para pangunahan ang Lady Bulldogs sa ikalawang sunod na tagumpay na nagpalawig sa kanilang rekord hanggang 82 game winning streak.
Sinundan siya ni Jack Animam na may double-double 14 puntos at 10 rebounds, bukod pa sa 3 steals at Monique del Carmen na may 12 puntos at 6 na assists.
Kahit nanalo, hindi pa rin nakuntento sa ipinakitang performance ng koponan ang kanilang coach na si Patrick Aquino dahil naniniwala syang may maipapakita pang mas mataas na performance ang Lady Bulldogs. “I still can see the real potential of the team. It’s not just one player who can make it happen this year, it takes everyone to make things happen and we’re getting there,” wika ni Aquino. “I know that we started slow again but we’re just trying to be more aggressive in the coming games.”
Tuluyang umagwat ang NU sa 3rd canto kung saan nagsalansan ang mga ito ng 28 puntos na nagresulta sa 30-puntos na bentahe, 71-41, matapos ang triple ni Clarin.
Nanguna at nagpahirap din sa Lady Bulldogs dahil sa ipinakita nitong laro si Nathalie Prado ng Lady Falcons na nagtala ng 11-of-23 sa field goals at 14-of-21 sa freethrows at tumapos na may 36-puntos. Samantala isa pang laro, nagwagi ng University of Santo Tomas sa unang laro matapos dominahin ang UP, 103-48. (VA)





Comments