top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Iba't ibang paraan ng pambu-bully sa iskul, may katapat na kaparusahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 8, 2019
  • 2 min read

MALIMIT na mayroong bullying sa mga eskuwe­lahan, lalo na sa elementarya at sekondarya. Ito ang edad kung saan malaki ang posibilidad na ang mga bata ay nalilihis sa kagandahang-asal dulot na rin ng impluwensiya ng kanilang kapaligiran at pamayanang kanilang ginagalawan.

Nang dahil dito upang maiwasan ang paglaganap ng bullying sa loob ng eskuwelahan ay gumawa ang Kongreso ng batas tungkol sa “bullying”. Ito ay ang Republic Act (R.A.) No. 10627 na pinamagatang “Anti-Bullying Act of 2013”.

Ayon sa Section 2 ng R.A. No. 10627, ang mga sumusunod ay tinataguriang aktong pambu-bully:

“Sec.2. Acts of Bullying. – For purposes of this Act, “bullying” shall refer to any severe or repeated use by one or more students of a written, verbal or electronic expression, or a physical act or gesture, or any combination thereof, directed at another student that has the effect of actually causing or placing the latter in reasonable fear of physical or emotional harm or damage to his property; creating a hostile environment at school for the other student; infringing on the rights of the other student at school; or materially and substantially disrupting the education process or the orderly operation of a school; such as, but not limited to, the following:

a. Any unwanted physical contact between the bully and the victim like punching, pushing, shoving, kicking, slapping, tickling, headlock, inflicting school pranks, teasing, fighting and the use of available objects as weapons;

b. Any act that causes damage to a victim’s psyche and/or emotional well-being

c. Any slanderous statement or accusation that causes the victim undue emotional distress like directing foul language or profanity at the target, name-calling, tormenting and commenting negatively on victim’s looks, clothes and body; and

d. Cyber-bullying or any bullying done through the use of technology or any electronic means.”

Ang nasabing mga akto ng bullying ay hindi pinapayagan dahil sa epekto nito sa mga mag-aaral. Upang hindi magkaroon ng bullying sa loob ng paaralan ay inaatasan ng batas ang mga esku­welahan na magsagawa sila ng kanilang polisiya kung saan ang problema ng bullying ay kanilang mabigyan ng kaukulang pansin at solusyon.

Maiging mabigyan ng administratibong aksiyon at karam­patang disiplina ang mga batang sangkot sa pambu-bully upang hindi nila ulitin pa ang maling gawain tulad ng bullying sa kanilang mga kamag-aral.

Bukod dito, inaatasan din ang mga paaralan na magsagawa ng counseling para sa mga batang mag-aaral na biktima ng bullying pati na rin ang kanilang mga magulang.

Ang mga eskuwelahan ay kinakailangang magbigay sa kanilang mga mag-aaral ng kopya ng kanilang polisiya tungkol sa anti-bullying.

Ang mga polisiyang ito ay isasama sa handbook ng mga mag-aaral at ipapaskil sa mga kitang lugar ng esku­welahan maging sa kanilang website.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page