Iba’t ibang galawan ng mga korup, buking!

AMININ natin, walang makareresolba sa korupsiyon sa loob at labas ng pamahalaan.
Sakit ‘yan ng tao at ng lipunan, mismo!
◘◘◘
DAPAT batukan ang sinumang mangangakong mareresolba ang korupsiyon.
Mababawasan o madaragdagan lang ang makakasuhan, makakalaboso o masa-salvaged na korup sa pamahalaan!
◘◘◘
MAS marami ang sangkot sa technical malversation.
Walang kakayahan ang Konstitusyon na sugpuin ang korupsiyon!
◘◘◘
ANG mga mambabatas mismo na siyang gumagawa ng batas ay lantarang korup mula sa proseso ng pagbabadyet at paglalabas ng pondo.
Ang “pork barrel” ay alinmang proyekto o paglalabas ng pondo kung saan napapaboran ang kontraktor na BFF ng mga mambabatas o ehekutibo!
◘◘◘
ALAM ng lahat at mulat ang sinuman na may overpricing ang mga proyekto.
Kinukunsinti ng gobyerno ang overpricing kasi masyadong mabagal ang pagri-release ng pondo at nalulugi ang mga kontraktor kapag hindi nag-overprice.
Mula sa overprice, “tataga” ang mambabatas at ehekutibo, “pork barrel” na ang tawag d’yan!
◘◘◘
ISA pang klase ng “pork barrel” ay ang mga proyektong “substandard” ang pagkakagawa o hindi sumunod sa “specifications”.
Tatabo ang kontraktor dito dahil ieentrega ang proyekto sa benepisaryo kahit substandard o “incomplete” o hindi natapos.
Tatabo ulit d’yan ang “mambabatas” na nakakorner ng proyekto at ehekutibo na signatories sa proyekto.
“Pork barrel” pa rin ang tawag d’yan!
◘◘◘
PINAKAGRABENG “pork barrel” ang mga ghost project tulad sa kasong kinasangkutan ni Janet Lim Napoles.
Naglabas ng pondo sa “proyektong hindi ginawa”, pero may dokumento na natapos ang proyekto.
“Pork barrel” pa rin ‘yan!
◘◘◘
SA mga depinisyon sa itaas, paano magagarantiyahan ng Kongreso na walang “pork barrel” ang 2020 National Budget, gayung hindi pa ito umiiral?
Kapag natapos ang proyekto at nailabas ang pondo, roon lang matutukoy at magkakaebidensiya na ang mga ito ay maituturing na “pork barrel”!





Comments