top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hindi kailangang ma-stress sa pag-o-organize... Mga dapat gawin para maging successful ang family re

  • Jersey Sanchez
  • Sep 8, 2019
  • 2 min read

Ngayong pumasok na ang ber months, marami ang excited sa Pasko, gayundin sa family reunion. Agree?

Bagama’t, marami nang excited, ang tanong, ready na ba kayo? Hmmm… for sure, ayaw nating mataranta sa paghahanda sa nakae-excite na family reunion kaya ngayon pa lang, dapat ay handa na tayo.

Mga beshie, narito ang ilang tips para sa hassle-free family reunion:

1. UNAHIN ANG PETSA. Kapag nagkayayaang magkaroon ng reunion, ang unang tanong ay “kailan?” Dahil kadalasan itong ginagawa tuwing Christmas Season, siguradong may kani-kanyang lakad ang la­hat. Dahil dito, dapat mapagkasunduan agad ang petsa para mapaghandaan ng mga kapamilya. Mahalaga ito dahil nakabase ang success ng reunion sa number of attendees. Okie?

2. HATIAN NG BUDGET. Ito ang isa sa pinakamahirap kaya pagkatapos mamili ng petsa, ito na ang sunod na pag-usapan. Sa simula pa lang, dapat alam n’yo na kung paano ang magiging hatian ng budget. Hindi kailangang pantay ang hatian dahil for sure, may mga kamag-anak tayong mas nakaa­angat sa buhay. Kumbaga, ang P5,000 ay maliit na halaga para sa ilan, pero sa iba, malaking bagay ito. Kung may willing mag­dagdag ng share, oks ‘yun, pero kung medyo kapos, pag-usapan nang maayos. Walang masama kung magkompromiso dahil para saan pa ang pagiging pamilya ninyo, ‘di ba?

3. WALANG LAMANGAN SA VE­NUE. Tulad ng date, dapat convenient sa lahat ang venue. Mabuting kumuha ng lugar na alam ng lahat, madaling marating at may access sa public transportation. Tandaan, habang papalapit ang Pasko, tumitindi ang trapik kaya para maiwasang maipit dito, humanap ng venue na hindi masyadong traffic.

4. DAMAY-DAMAY SA PAGHA­HAN­DA. Dahil magkakapamilya naman kayo, siguradong alam ninyo ang talents ng isa’t isa. Siguradong mayroon tayong mga tito at tita na magaling sa kusina, mga pinsan na magaling mag-host at mag-organize, mga kapatid na masinop at iba pa. Gamitin ang mga talentong ito para hatiin ang trabaho mula sa paghahanda ng pagkain, pag-aayos ng program at iba pa.

5. KABOG NA TEMA. Para maging exciting ang reunion, maganda ring magka­roon ng tema. Hindi naman kailangang ma­ging bongga dahil ang simpleng color co­ding bawat pamilya ay oks na. Puwede ring mala-80s fashion o costume party ng mga nau­usong TV series at kung anu-ano pa.

6. BALANSENG MENU. For sure, ito ang pinakahihintay ng lahat kaya sa pag­paplano ng menu, siguraduhing balanse ito kung saan mayroong option para sa lahat, lalo na ang mga bagets.

Isang beses lang sa isang taon natin nakikita ang ating buong pamilya kaya dapat, paghandaan natin ito. ‘Yung tipong happy ang lahat dahil successful ang reunion at nagkikita-kita ang lahat. Kaya kung may plano kayong mag-family reunion, huwag ninyong kalimutan ang ilang tips na ito. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page