Faeldon, naiyak daw nang mabulgar ang “laya for sale”, bigyan ng jacket!
- BULGAR

- Sep 8, 2019
- 1 min read
FAELDON, HUWAG SA IMMIGRATION ILAGAY — Matapos sibakin, ang sabi ni P-Duterte ay may tiwala pa rin siya kay ex-BuCor Chief Nicanor Faeldon at dahil d’yan, posibleng magkaroon na naman ito ng bagong posisyon sa gobyerno.
Sana, huwag sa Immigration ilagay ni P-Duterte si Faeldon kasi noong nasa Bureau of Customs ito, tone-toneladang shabu ang nakapuslit at nang mapuwesto sa BuCor, kabilang ang mga drug lord sa mga nakalaya. Eh, kung sa Immigration ito mapupuwesto, baka payagan naman nitong makalabas ng bansa ang mga drug lord, boom!
◘◘◘
PUWEDENG MAG-ARTISTA SI FAELDON — Sabi ni Faeldon, naiyak daw siya nang mabulgar sa Senado ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law for sale kasi hindi raw dapat hinihingan ng pera ang mga akusadong mapapalaya sa ilalim ng GCTA.
Naiyak? Aba, kung ganu’n, bigyan ng jacket ‘yan! Artista na ‘yan, ha-ha-ha!
◘◘◘
SOGIE BILL NI SEN. HONTIVEROS, PABOR SA MGA BADING, LABAG SA KARAPATAN NG KABABAIHAN — Para kay Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III, ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Bill ni Sen. Risa Hontiveros ay pabor lang sa mga bading at labag naman ito sa karapatan ng kababaihan.
Ewan ba natin kay Sen. Risa kung bakit gusto nitong sa comfort room ng mga babae mag-CR ang mga binabaeng may “lawit”, buwisit!
◘◘◘
RAKET NI “FRANKWONG”, NAMAMAYAGPAG SA BUREAU OF CUSTOMS — Namamayagpag na naman daw si “Frankwong” sa pagpupuslit ng “ukay-ukay” at plastic resins sa Bureau of Customs.
O, ano pa ang hinihintay mo, Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero? Ipatokhang mo na ang smuggler na ito, dali!





Comments