4 estudyante, tiklo sa marijuana
Pabs Hernandez III
Sep 8, 2019
1 min read
CAMARINES SUR — Apat na estudyante ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng marijuana kamakalawa sa loob ng eskuwelahan sa bayan ng Pili.
Dahil mga menor-de-edad ay hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang mga naarestong suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng marijuana sa pag-iingat ng mga suspek.
Itinurnover na ng pulisya ang mga suspek sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).





Comments