Sori na lang sa ipinalit kay Winwyn… Mark, umaming 'di pa feel pakasalan ang bagong GF
- BULGAR

- Sep 7, 2019
- 1 min read

INAMIN man ni Mark Herras na may ipinalit na siya kay Winwyn Marquez, ‘di raw nangangahulugang in the near future ang pagpapakasal niya sa new GF.
Sa set ng episode na Ang Pumatay Nang Dahil Sa ‘Yo sa Magpakailanman ay nainterbyu namin ang first Ultimate Male Survivor ng StarStruck at marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay kesa humanap ng magiging madir ng anak niyang si Adah.
“Parang papel ko sa tunay na buhay ang Mark sa MPK, ‘yung big brother-cum-parent sa aking younger siblings. Hindi man ako college graduate, gusto ko’y magkaroon sila ng college diploma,” he averred.
Sa drama’y si Jeric Gonzales ang gaganap na Marvin at si Yasser Marta naman si Michael na kanyang brother. Hosted by Ms. Mel Tiangco, ang nagdirek ng episode ay si Monti Parungao.
For the love of his brothers ay napilitang sumapi sa drug syndicate si Mark. ‘Di niya alam na sumapi rin si Marvin sa ibang sindikato at nagkrus ang kanilang landas. Kayanin kaya niyang isakripisyo ang sariling buhay so his brother may live?





Comments