P40-m nakataya sa world pitmasters cup 9-stag derby
- BULGAR

- Sep 7, 2019
- 1 min read

AABOT nang 550 entries ang inaasahang lalahok sa Setyembre 2019 World Pitmasters Cup (WPC) 9-Stag International Derby kung saan mahigit P40-M ang nakataya sa edition na ‘to.
Ang record-breaking na bilang ng mga kalahok para sa 11th edition ng WPC ay pagpapatunay na patuloy na dumaraming gamefowl breeders na inaasam na subukan ang kakayahan ng stags laban sa mga itinuturing na top guns ng cockfighting sa bansa. Sina World Pitmasters Cup promoters Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Ako Bisaya Party-List Rep. Sonny Lagon, RJ Mea at Agusan del Sur Rep. Eddiebong Plaza, pati ang iba pang mga malalaking pangalan sa larangan ng cockfighting industry ay magsasagupa sa pinaka-prestihiyosong stag derby sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.
Sa kauna-unahang pagkakataon nagsimula ito noong 2017, ang WPC 9-Stag International Derby ay magdaraos ng limang sunod na 2-Stag elimination rounds mula Set.19-23 (Sets A-E). Matapos ang rest day sa Set. 24, ang One-Day 220 k Pot Money 7-Stag Big Event ay susulong sa Miyerkules, Set. 25.
Ang qualifiers ay muling magtatagisan ng galing sa 3-Stag semifinal rounds sa Sept. 26 para sa Set A, Sept. 27 para sa Set B, Sept. 28 para sa Set C, Sept. 29 para sa Set D at Sept. 30 para sa Set E. Magkakaroon muli ng ceasefire sa Oct. 1 bago ang 4-Stag Pre-Final round sa Oct. 2 para sa mga kalahok na may 3, 3.5 at 4 puntos. (MC)





Comments