top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nabulgar, milyon kada preso sa Bilibid.. Laya for sale!

  • Lourdes Abenales
  • Sep 7, 2019
  • 1 min read

NAGING negosyo na umano ang New Bilibid Prison.

Ito ang inihayag ng testigo na si Yolanda Camelon sa sinasabing ‘freedom for sale’ sa Bilibid.

Sa kanyang pagharap sa media, inihayag nito na alam na nila noon pa na may nagaganap nang bayaran sa Bilibid kung saan naglalaro mula P30,000 hanggang P1.5 milyon ang ibinibigay sa mga opisyal ng BuCor kapalit ng maagang paglaya ng mga preso.

Aniya, nasentensiyahan ng isa hanggang apat na taon ang kanyang asawa at nagsilbi na ng dalawang taon mula nang makulong noong May 2017.

Ipinangako umano ni Correctional Senior Inspector Maribel Bansil na palalabasin na noong Marso ang kanyang mister dahil sa Good Conduct Time Allow­ance (GCTA) kapalit ng P50,000 pero, binigyan siya ulit ng bagong com­putation na sa October 2019 palalabasin ang kanyang asawa.

Giit ni Camelon, nangangamba siya dahil mayroong mga presong hindi qualified lumabas at hindi pinapalaya dahil wa­lang pera sa mga opisyal pero, ang mga inmates na may malalaking kaso ay nakakalabas dahil naka­pagbibigay.

Presong lalaya na, biglang kakasuhan para maglagay..

Modus na tanim-kaso, buking

USO na rin umano sa mga kulungan o piitan ang ma­kabagong modus para kumita ang mga ito.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, may mga inmate umanong napipilitang magbayad kahit pa nakatakda na ang mga ito na lumabas.

“Isa pa, lalabas na, palabas na. Talagang ire-release na siya. Eh, ‘yun daw ‘yung tanim-kaso,” ani Sotto.“Sasabihin, hindi ka puwede lumabas. Meron ka pang naka-pending na kaso’. Eh, maglalagay ka para mawala ‘yung pending mo dahil wala naman talaga, eh. May ganu’n. Talo ‘yung tanim- bala. Ito, tanim-kaso,” ani Sotto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page