top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Bahay niratrat, tatay patay, anak sugatan

Pabs Hernandez III
Sep 7, 2019
1 min read

NORTH COTABATO—Isang 55-anyos na lalaki ang namatay at sugatan naman ang anak nito nang barilin ng mga hindi kilalang salarin ang kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Silik, Pikit.

Ang nasawi ay si Ampog Tejiro, samantalang, ang sugatan ay ang anak niyang si Padido, 27-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ama nang pagbabarilin ng mga suspek ang kanilang tahanan na ikinasawi ni Ampog at ikinasugat ni Padido.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page