What a feeling at summer romance
- Ding Taboy
- Sep 6, 2019
- 2 min read

DIKDIKAN ang laban ngayong gabi sa pitong karerang kasabay ng Additional One Win In Group Races sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Mag-uumpisa ang karera ng 6:30 p.m. kasabay ang Winner Take All (WTA) Pick 6, Pick 5, Pick 4 at Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6. Pambungad na laban sa Race 1, masasabing tatlong mananakbo ang pinapaboran sa karera ang Avenue Shopper, couple entry na Believe Me at Charger, Marahuyo at naghahangad kayo ng dehado at isama ang Sweetness umpisa ng WTA.
Susunod na laban ang Philracom Special Race at pinapaboran ang Jarred Skywalker, panegundo ang Mid Summer Night na simula ng Pick 6. Sa Race 3 na simula ng Pick 5, nakalalamang ang Tubig at Langis habang makakalaban ang Summer Cruise sa Condition Race (16).
Pinapaboran ang Boy Paradise, Soul Mate at Beastmode habang makakalaban ang Ravel at Girl On Fire sa pag-alagwa ng Race 4 na simula ng Pick 4.
Nakalalamang ang Shelex Magic at makakalaban ang Oh Neng habang ang Munich ay isama sa mga tatayaan sa Race 5. Labanang umaatikabo ng What A Feeling at Summer Romance sa Condition Race Merged (10) sa Race 6.
Ipinapatok ang Weemissjerre at couple entry na Mount Iglit at makakalaban ang Haring Bastos at couple entry na Viscerion at Hidden Eagle sa Race 7 na magiging parating sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Tips ni Mang Ding: Race 1- Marahuyo (9) Avenue Shopper (5) Race 2- Jarred Skywalker (4) Mid Summer Night (1) Race 3- Tubig at Langis (6) Summer Cruise (4)
Race 4- Ravel (3) Boy Paradise (2) Entry No1; Race 5- Sheltex Magic (2) Oh Neng (4) Munich (7) Race 6- What A Feeling (3) Summer Romance (4); Race 7- Entry No.2 Haring Bastos (7) Entry No.4 WTA (1-7) 2-3-5-9/4-1/6-4/3-2/2/4/2-4-7; Pick 6-(2-7) 4-1/6-4/3-2/2/4/2-4-7/ PICK 5- (3-7) 6-4/3-2/2/4/2-4-7/ PICK 4- (4-7) 3-2/2/4/2-4-7





Comments