Solvent at rugby boys, lilinisin

KAMAKAILAN, halos 400 minors ang nahuli dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng City Ordinance 8547 kung saan mayroon nang itinakdang curfew sa kabataang nakatambay sa iba’t ibang kalye sa Lungsod ng Maynila.
Ipinasa ang nasabing ordinansa dahil sa lumalalang street crimes kung saan minor o kabataan ang sangkot. Bukod sa multa at pagkakakulong, ite-turnover din ang mga ito sa Social Welfare Office ng lungsod.
Napansin din natin na marami sa mga kabataan o bata ang gumagamit ng solvent at rugby kaya inatasan natin ang mga opisyal ng lungsod na gumawa ng executive order o ordinansa na ipagbawal ang pagbebenta nito sa mga menor-de-edad sa Lungsod ng Maynila.
Ipinaaalala lang natin sa mga magulang na ang Ordinance 8547 ay hindi lang pinarurusahan ang mga menor-de-edad kundi pati ang kanilang mga magulang kaya nais nating magtulungan tayo upang masolusyunan ang suliraning ito.
Ipinag-utos din natin sa mga barangay officials at kapulisan na magbigay ng lingguhang report tungkol sa pagpapatupad ng nasabing ordinansa.





Comments