top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Sinita sa illegal parking.. Rider, 2 pa pumalag sa traffic enforcer, huli

  • Maeng Santos
  • Sep 6, 2019
  • 1 min read

ARESTADO ang tatlong lalaki na umano’y nanlaban sa traffic enforcer sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces ang mga naarestong suspek na sina Salvador Cabansag, Jr., 49; Andrew Salonga, 33, at Chris Jerwin Cortez, 25.

Alas-2:00 ng hapon nang hulihin ni Valenzuela City Traffic Enforcer Mark David Farmer, 30, si Cabansag dahil sa illegal parking.

Nang isyuhan ito ni Farmer ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ticket, tinangka umanong paandarin ni Cabansag ang motorsiklo na naging dahilan upang pigilan ito ng enforcer bago hinablot ang susi ng motorsiklo.

Dumating sina Salonga at Cortez saka tinulungan si Cabansag bago sapilitang kinuha ang susi subalit, napansin ang kaguluhan ng iba pang miyembro ng Traffic Management Office kaya humingi ang mga ito ng tulong sa pulisya na nagresulta sa pangkakaaresto sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page