top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pulis pinagbabaril ng riding-in-tandem, todas

Jeff Tumbado
Sep 6, 2019
1 min read

ISANG pulis na naka­ta­laga sa Police Re­gional Of­fice-Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pi­nag­babaril ng riding-in-tan­dem sa Quezon City, ka­ha­pon.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Michael Per­necita delos Reyes, 36, may asawa, dating nakatalaga sa QCPD-Cubao Station 7, na nali­pat sa PRO-ARMM noong 2017, residente ng Bgy. Baesa. Batay sa inisyal na re­port sa CIDU-QCPD, ang pamamaril ay naganap ala-1:28 ng hapon sa Bgy. Alicia Bago Bantay.

Ayon sa pahayag ng sak­sing si ‘Ri­chard’, tricycle dri­ver, kay PSSg. Ramon­cito Ty, nagulat na lamang siya nang tapatan ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at kapwa nakasuot ng helmet ang nasabing pulis na sakay din ng motor saka pinagba­baril nang malapitan.

Nabatid na susunduin ng biktima na sina­sabing nag-AWOL ang kanyang mga anak sa paaralan nang mang­yari ang krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page