top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Pinasok sa bahay.. 17-anyos, inabuso ng kalugar

  • Maeng Santos
  • Sep 6, 2019
  • 1 min read

PINASOK saka dinaliri ng isang laborer ang 17-anyos na dalagita na kanyang kalugar sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Nadakip ang suspek na kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas na si Crisanto Gapsil, 32, ng Bgy. Tangos South.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Rockilyn Bawer, alas-5:00 ng hapon nang pasukin ng suspek ang biktimang itinago sa pangalang ‘Danica’ sa bahay nito sa A. Cruz St. saka niyakap ang dalagita.

Hanggang sa ipinasok umano ng suspek ang kanyang daliri sa maselang bahagi ng katawan ng dalagita na tinangka namang magpumiglas subalit, wala umanong nagawa sa lakas ng lalaki.

Matapos nito, humingi ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page