top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagputol sa puno ng niyog, dapat may permit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Mayroon kaming mga puno ng niyog, pero dahil matatanda na ang mga ito ay hindi na namumunga. Gusto sana namin itong putulin para magamit ang espasyo nito, pero sinabihan kami ng kapitbahay namin na ipinagbabawal daw ng batas ang magputol ng mga ito. Totoo ba ‘yun? — Luna

Dear Luna,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Republic Act No. 10593, amending Republic Act No. 8048 o ang “Coconut Preservation Act of 1995”. Nabanggit sa Section 4 ng nasabing batas na:

“Sec. 4. Prohibition. – No coconut tree shall be cut except in the following cases and only after a permit had been issued therefore:

(a) When the tree is sixty (60) years old;

(b) When the tree is no longer economically productive;

(c) When the tree is disease-infested;” (Binigyang-diin.)

Samakatwid, maaaring magputol ng puno ng niyog kapag ito ay 60 taon na o hindi na produktibo at sa kondisyon na mayroon kayong kinuhang permit para rito.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page