Paboritong red lions, pakay ang 1st round NCAA sweep


TATANGKAIN ng San Beda University na maitala ang first round sweep sa pagsalang nila ngayong hapon sa huling araw ng unang round ng NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament. Sasagupain ng reigning 3-peat champion Red Lions ang Mapua University Cardinals sa gitnang laro sa nakatakdang triple header ng 2 p.m. para sa target na ika-9 na sunod na panalo sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Matapos durugin ang College of St. Benilde, 88-57, noong Agosto 23 para sa ikawalong sunod nilang panalo, paborito ulit ang San Beda sa laban nila ngayon ng Mapua. Pero naniniwala ang Red Lions na hindi ito dahilan para sila maging kampante lalo pa’t mataas na ngayon ang morale ng Cardinals matapos magtala ng tatlong sunod na tagumpay kasunod ng kabiguan sa unang lima nilang laban. “It’s still a long way to go, every game is important so we just have to be prepared always,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez. Sa unang laban, tatangkain ng Blazers na manatili sa ikalawang posisyon sa pagtutuos nila ng Letran Knights ng alas-12:00 ng tanghali. Kapwa buhat sa pagkatalo, ang Knights sa kamay ng San Sebastian College noong Agosto 20 sa overtime,101-102,magkukumahog pareho ang Letran at St.Benilde na makaiwas na sumadsad sa back-to-back losses sa pagsasara ng unang round. Taglay ang barahang 5-3, panalo-talo, nasa ika-4 na puwesto ngayon ang Knights kasalo ng Stags na may isang panalong pagkakaiwan sa solong 2nd na Lyceum Pirates na may kartadang 6-3. Samantala sa huling laro, tatargetin ng Stags na makamit ang panalo upang makaakyat sa ikatlong puwesto habang pipilitin ng season host Chiefs na muling makapasok sa win column at makatabla sa 6th spot kasalo ang JRU at Perpetual Help hawak ang kartadang 3-6. (VA)





Comments