Nanlabang tulak, todas
Pabs Hernandez III
Sep 6, 2019
1 min read
QUEZON—Patay ang drug pusher nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Ibabang Iyam, Lucena City.
Kinilala ang suspek na si Arnold Bathan, residente sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na aarestuhin sana sa buy-bust operation si Bathan, pero bigla nitong
pinagbabaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments