top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babaeng pulis kontra trapik, ikakalat sa EDSA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2019
  • 1 min read

KASABAY ng pagtindi ng trapik ngayong ‘ber months’, itinalaga ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang ilang babaeng pulis sa EDSA.

Bukod sa maipo-promote ang gender equality sa PNP dahil ipinakikita nito na kung ano ang kayang gawin ng mga lalaking pulis ay kaya ring gawin ng mga policewoman, iba rin daw ang ‘approach’ ng mga babae pagdating sa mga motorista. Maaaring mas malumanay o magaan ang pagtrato?

Nasa kabuuang 48 lady cops ang ipinakalat para manduhan ang daloy ng trapiko, partikular sa EDSA. Sila ay nagtapos ng 45 araw na motorcycle riding course noong 2018 bilang requirements sa HPG na gagamitin naman upang matutukan ang mga kalsada sa Metro Manila at maging sa ibang rehiyon.

Hindi lang kontra-trapik ang mga babaeng parak kundi ini­handa rin sila na sumabak o rumesponde sa anumang krimen.

Samantala, 20 oras ang duty ng mga babaeng pulis na hinati sa dalawang shift — alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-3:00 ng hapon at mula alas 3:00 ng hapon hanggang ala-1:00 ng mada­ling-araw.

Posibleng maging epektibo ito, pero sana, hindi maging basehan ang kasarian ng sinumang nasa awtoridad para sundin o labagin ang batas.

Huwag tayong tumingin sa tagapagpatupad kundi sumunod tayo sa kung ano ang ipinatutupad bilang responsableng mamamayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page