2 konsehal, tinuluyan sa pekeng dokumento

KINASUHAN ng anti-graft charges sa Department of Justice (DOJ) sina Iloilo City Councilors Atty. Joshua Alim at Atty. Plaridel Nava at ang kanyang self-styled local consumer advocate kaugnay sa umano’y paggamit ng pinekeng dokumento para lituhin ang Kongreso para hadlangan ang franchise renewal ng 95-year-old Panay Electric Company (PECO).
Naglatag umano sina Alim at Nava sa Kongreso ng petisyon na may 27,000 pekeng lagda ng mga residente ng Iloilo na sumusuporta sa pagbasura ng PECO franchise para sa pagbibigay ng elektrisidad sa higit 54,000 households at business establishments sa Iloilo City at dalawang kalapit na lugar.
Kasama sa reklamo si self-styled consumer advocate Jane Javellana na nanguna umano sa pangangalap ng mga pekeng pirma.
Nabigo namang humarap ang dalawang konsehal sa preliminary hearing sa National Prosecution Service ng DOJ.
Nauna rito, ang mga kinalap nilang ebidensiya ay ipinrisinta sa Kongreso at ito umano nagbigay-daan para pagbigyan ang MORE Electric ng power franchise.
Sa complaint-affidavit na inilatag sa DOJ, iginiit ni PECO Administrative Head Marcelo Cacho na sinamantala ng dalawa ang kanilang posisyon at nilinlang ang kanilang nasasakupan.
Bukod sa paghahain ng criminal complaint, nais din ng PECO na pagmultahin ng P100 milyon para sa damages ang mga ito.





Comments