top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

WGM frayna, mabangis kina Fronda at Mendoza

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Sep 5, 2019
  • 1 min read

PINANGATAWANAN ni Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ang pagiging pre-tournament favorite na bansag nang pangunahan nito ang mga aspiranteng Pinay sa pagtatapos ng 2019 Women’s National Championships Grand Finals - Blitz Chess na nasaksihan sa Mindanao Avenue sa Quezon City.

Sampung panalo at tabla ang naging pangontra ng pangunahing lady woodpusher ng bansa sa dalawang talong natikman niya sa loob ng 13 rounds ng maigting na bakbakan. Nakatikim ng bagsik ni Frayna sina Woman International Master Jan Jodilyn Fronda (round 1), WIM Mikee Charlene Suede (round 2), WIM Kylen Joy Mordido (round 3), Woman FIDE Master Shania Mae Men­doza (round 4), WIM Catherine Secopito (round 5), Woman Candidate Master Mira Mirano (round 8), May Ann Alcantara (round 10), Rizalyn Jasmine Tejada (round 11), WIM Marie Antoinette San Diego (round 12) at Samantha Babol Umayan noong huling yugto ng kompe­tisyong isinaayos ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP). Kasama ng draw niya kay Natorri Biazza Diaz noong pang-anim na round, nakaipon ang kampeon ng kabuuang 10.5 puntos.

Kalahating puntos sa likod ni Frayna, 22-anyos at may rating na 2171, ay ang tambalan nina Mendoza (4th ranked, rating: 2169) at Fronda (14th seed, rating: 2147). Siyam na panalo at dalawang tabla ang naging produksiyon ni Mendoza habang si Fronda ay nagsumite ng 10 panalo at tatlong kabi­guan. Pero nang lapatan ng tuntunin sa tie­break, nasikwat ni Mendoza ang runner-up honors habang nakuntento na lang sa huling upuan sa podium si Fronda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page