top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Paghahanda ng 2020 national budget, dapat transparent!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2019
  • 2 min read

MAINIT ang bangayan sa Kamara kaugnay sa 2020 National Budget.

Bantay-sarado si Speaker Alan Peter Cayetano!

◘◘◘

IPINANGAKO nitong walang korupsiyon sa isusumiteng unang General Appropriations Bill (GAB) sa ilalim ng kanyang Speakership.

Wala raw “pork barrel” at “parking” ng pondo.

He-he-he!

◘◘◘

HINDI raw papayagan ang iligal na insertion sa GAB.

Wala ring mga kaduda-dudang “parking” ng pondo kung saan may lump sum sa budget na hindi nakadetalye ang gamit o naka-”parada” sa distrito para gamitin sa ibang proyekto o distrito ng ibang kongresista.

Malinaw sana ‘yan!

◘◘◘

HINDI dapat maulit na maitengga ang badyet dahil sa kaduda-dudang preparasyon.

Tiniyak ang “constitutional, legal, transparent at accountable” na badyet.

Dapat lang!

◘◘◘

BINASTED mismo ni P-Digong ang ilang probisyon ngayong 2019 National Budget kaya naantala.

May ilan ding proyekto ng DPWH na nagkakahalagang P95.37 billion ang na-veto ni P-Digong sa nakaraang badyet.

Hindi kinukunsinti ni P-Digong ang mga ‘buwaya’ kaya hindi agad nilagdaan ang 2019 National Budget!

◘◘◘

Ayaw nang maulit ni Speaker Cayetano ang nangyari sa nakaraang badyet.

Kaya nang magkaroon ng gusot sa pagitan nina Deputy Spea­ker Luis Raymund “LRay” Villafuerte, Jr. at Davao City Rep. Isidro Ungab, ang chairman ng House Appropriations Committee, agad na puma­gitna si Speaker Cayetano!

◘◘◘

BINAWI ni Villafuerte ang pagkakasumite ng 2020 General Appropriations Bill sa plenaryo.

Sinabi naman ni Ungab na ang pagsumite ng GAB sa plenaryo matapos ibigay ng Malacañang ang proposed budget nito ang tamang patakaran na dapat sundin.

Mabilis na nagpatawag ng meeting si Speaker Cayetano para maayos ang isyu!

◘◘◘

BUKOD kina Rep. Ungab at Villafuerte, nasa pagpupulong din sina Majority Leader Martin Romualdez, Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin Remulla, Deputy Speaker Neptali Gonzales II, Appropriations Committee Vice-Chairperson Elenita Ermita Buhain at iba pang vice-chairpersons ng komite.

Naareglo naman ang sigalot!

◘◘◘

NAG-REQUEST si Speaker Cayetano sa mga government agencies na magsumite ng mga presentations ng kani-kanilang budget proposal bago mag-alas-5:00 ng hapon kamakalawa, noong Setyembre 3.

Ngayon tameme na ang lahat!

◘◘◘

KINUKUWESTIYON ng ilang grupo ang hindi maayos na preparas­yon ng badyet kaugnay sa pondo na nakatoka sa iba’t ibang ahensiya.

Nagdududa ang ilan kung bakit ito itinago at ngayon ay naresolba ang gusot.

Mahalaga ang transparency o “walang paglilihim” sa pagha­handa ng budget!

◘◘◘

KAILANGANG i-share sa iba pang miyembro ang diskusyon at delibe­rasyon imbes na solohin o kontrolin ng ilang tauhan sa komite.

Maunawaan sana ito ng mga bumubuo ng Committee on Appropriations!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page