top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Movie ng aktor kasama si Kathryn, itinaob… Alden, inaaway ng kampo ni Daniel

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2019
  • 2 min read

Nitz Miralles / BIDA

MAY mga fans pala na nag-aakalang hindi magre-renew ng kontrata sa GMA Network si Alden Richards. Tatapusin lang daw nito ang kontrata sa Kapuso Network at aalis na.

Hindi alam ng mga fans na ‘yun that Alden values loyalty at kung maayos naman ang trato sa kanya, bakit siya aalis?

Sabi nito sa kanyang renewal of contract, “The choice to be in GMA is a no brainer” at “Habang tumatagal po ako sa @gmanetwork, mas nagi­ging pamilya ang trato nila sa akin at trato ko sa kanila. I am where I am supposed to be now.”

Nine years going 10 years na si Alden sa GMA Network at ang daming projects na kanyang gagawin. Una na ang teleseryeng The Gift, may concert siya to celebrate his 10th anniversary at narinig naming may gagawing peli­kula sa GMA Pictures.

May bago na ring title si Alden. Makikilala na siyang Asia’s Multi-Media Star at may chance pang magka­roon ng international project through collaboration.

Malapit na ang worldwide premiere ng The Gift at kahapon, nag-taping siya sa Quiapo area.

Samantala, galing na kay Olivia Lamasan, head ng ABS-CBN Creative Department, ang paglilinaw na ang Hello, Love, Goodbye nina Alden at Kathryn Bernardo ang highest-grossing Filipino Movie of All Time with worldwide gross of P880,603,490M as of September 3, at showing pa rin ito rito at sa ibang bansa. Naungusan nito ang The Hows of Us nina Kathryn at Daniel Padilla with P805M.

Sana, matigil na ang away ng fans kung sino sa dalawa ang mas may hatak para kumita nang ganu’n kalaki ang movie, na tiniyak ni Mr. Carlo Katigbak ng ABS-CBN na aabot ng P1 billion. Sana, hindi balikan si Alden ng mga fans na nagalit dahil nagtrabaho lang naman siya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page