Ganern, Dingdong? Alden, tameme sa pagiging highest-paid artist ng siyete


OVERWHELMED ang certified Box-Office King na si Alden Richards sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga big bosses ng GMA Network noong pumirma siya ng panibagong kontrata.
Hinding-hindi makakalimutan ni Alden na patuloy na tumanaw ng utang na loob at magpasalamat sa Kapuso Network na nagtiwala at nag-alaga sa kanyang career at binigyan siya ng mga markadong shows kaya naabot niya ang kanyang kinalalagyan ngayon. Labis din siyang nagpapasalamat sa kanyang mga loyal fans na mula noon, hanggang ngayon ay hindi bumibitaw sa pagsuporta sa kanya.
Kasama sa bagong kontrata ni Alden ngayon ang upcoming serye niyang The Gift kung saan makakasama niya ang ilang magagaling na artista tulad nina Jean Garcia, TJ Trinidad, Mikee Quintos, Betong Sumaya, Jo Berry, atbp..
Ipinasilip na ang teaser ng The Gift noong mediacon para sa contract signing ni Alden sa GMA-7. Kaabang-abang ang mga magaganap sa serye at dito’y ibang Alden ang mapapanood ng lahat.
Bukod sa The Gift, marami pang pagkakaabalahang projects ang Pambansang Bae. May gagawin siyang movie with GMA Pictures kasosyo ang isang foreign movie outfit. Isang malaking concert din ang pinaplano para sa kanya. Posible rin na magkaroon ng part 2 ang blockbuster hit movie nila ni Kathryn Bernardo, ang Hello, Love, Goodbye.
Ayaw lang umamin ni Alden kung siya na ngayon ang highest-paid GMA artist.





Comments