top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 trabahador nakuryente, dedbol

Levi Gonzales
Sep 5, 2019
1 min read

PATAY ang dalawang helpers matapos makuryente sa kanilang pinapasukang trabaho sa Bgy. Puting Kahoy, Calaca, Batangas.

Pasado alas-4:00 ng hapon, naglilinis ng kanilang kagamitan sina Michael Sola, 21, at Hernando Ocap, 23, kapwa tubong-Masbate City at stay-in worker ng R.A. Poultry Farm.

Isa umano sa kanila ang aksidenteng nahawakan ang live wire kung saan agad itong nagkikisay. Hinawakan naman ng kasama nito kaya pati siya ay nadamay.

Pinilit silang madala sa pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy ang pagsisiyasat sa insidente at kung may nakikitang kapabayaan ang may-ari ng naturang farm.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page