SC sa same-sex marriage: NO WAY!

IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyon na naglalayong maging legal ang same-sex marriage sa bansa.
Sa desisyon na pinonente ni Associate Justice Marvic Leonen, sinabi ng Supreme Court na ibinasura ang petisyon dahil sa kawalan ng legal standing ng petitioner na si Jesus Falcis. Lumabag din umano ito sa prinsipyo ng hierarchy of courts, bigo rin itong i-raise ang actual at justiciable controversy.
Samantala, pinatawan naman ng Korte Suprema ng indirect contempt si Falcis at mga abogado nito na sina Atty. Darwin Angeles, Atty. Keisha Trina Guangko, Atty. Christopher Ryan Maranan dahil sa hindi pagsunod sa court procedure at decorum.
Sa kanyang petisyon, iginiit ni Falcis na ang pagpapasya ng mga indibidwal, sila man ay homosexual o heterosexual, ng taong nais nilang makaisang dibdib ay isang pribadong bagay na hindi dapat sinasagkaan ng estado.





Comments