Sanchez, malaking patunay na hindi kayang sugpuin ni P-Digong ang korupsiyon

MATAPOS guluhin ang mga mambabatas ng isang miyembro ng LGBTQ+, heto naman ang pusakal na rapist na yumuyurak sa kanilang pagkatao.
Ang daming sasabit kay Sanchez!
◘◘◘
ANG kaso ni Sanchez ay pagpapatunay sa kumpirmasyon ni P-Digong na kaliwa’t kanan ang korupsiyon sa kanyang paligid.
Aminado siyang hindi niya kayang igapos ang kanyang mga amuyong!
◘◘◘
ISKEMA at moral sa Pilipinas ang korupsiyon.
Kasi kinukunsinti ito mismo ng Konstitusyon at mayorya ng mamamayan!
◘◘◘
MULA barangay hanggang sa Malacañang, batbat ng korupsiyon.
Ang koleksiyon ng mga barangay ay walang awtentikadong resibo!
◘◘◘
HINDI ipinapasok sa “local treasury” ang koleksiyong tinatanggap ng mga barangay officers.
Isang klase ‘yan ng technical malversation!
◘◘◘
SA municipal at provincial level, higit na dambuhala ang koleksiyon sa kung anu-anong kalokohan, hindi rin ‘yan ipinapasok sa local treasury.
Kapag ang mga koleksiyon, ‘ni sentimo’ ay ipinasok at na-audit nang mabuti ng government auditors, trilyun-trilyong piso ang papasok sa kaban ng bayan!
◘◘◘
ANG mga koleksiyong ito ay mula sa parking fees, rentals, clearances, multa at iba pa.
Sa ilang lalawigan, may quarrying fees, truckings, tourism fees at iba pang kalokohan — wala itong maayos na resibo at hindi rin nao-audit!
◘◘◘
KUNG magpapakatino lamang si DILG Sec. Eduardo Año at iuutos ang daily auditing o daily financial report ng mga barangay, town at provincial sa lahat ng klase ng koleksiyon, aba, trilyones ang masasagip mula sa korupsiyon.
Halimbawa, hanggang ngayon ay may koleksiyon sa mga “vendors” at parking fees sa kalye ang mga LGUs, saan dinadala ang resibo?
Saan dinadala ang malaking bulto ng perang ito?
Nao-audit ba ‘yan?
◘◘◘
HINDI kasama riyan ang underground collection sa illegal drugs, illegal gamblings, illegal vendings, illegal terminals at illegal “protection money” sa mga tsuper at operator.
Sangkatutak ang nawawala dahil sa korupsiyon!
◘◘◘
SA overpricing pa lang sa supplies and services, malulula ka na sa nadarambong ng mga LGU executives.
‘Yan ang dahilan kaya inaari nang personal ng ilang pamilya ang mismong “town hall, city hall at barangay hall”.
Naririyan kasi ang “mina ng salapi”!





Comments